Magparehistro para Makaboto

 

Para magsimula, tingnan ang mga kinakailangan upang bumoto para malaman kung puwede kang magparehistro para makaboto sa California.

Kailangang nakarehistro para makaboto ang mga taga-California nang hindi bababa sa 15 araw bago ang Araw ng Halalan. Para sa petsang ito at iba pang mahahalagang takdang petsa sa halalan, pumunta sa Mga Petsa at Mapagkukunan sa Halalan. Kung lumipas na ang takdang petsa sa pagpaparehistro para sa isang paparating na halalan, sa karamihan ng mga halalan, maaari mong bisitahin ang tanggapan ng mga halalan sa iyong county, sentro ng pagboto, o satellite na tanggapan na itinalaga ng iyong opisyal ng halalan sa county sa panahon ng 14 na araw bago ang, at kasama ang Araw ng Halalan para magparehistro nang may kondisyon upang bumoto at bumoto ng pansamantalang balota. Ang prosesong ito ay tinatawag na Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw.

Kapag nakarehistro ka na, maaari kang bumoto sa lahat ng pang-estado at lokal na halalan. Hindi mo kakailanganing magparehistro ulit upang bumoto maliban kung babaguhin mo ang iyong pangalan o iyong kagustuhan sa pulitikal na partido.  Kung lilipat ka, puwede mong i-update ang iyong address ng tirahan sa California sa pamamagitan ng muling pagpaparehistro online o sa pamamagitan ng pagsusumite ng papel na aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante. 

Pwede ka ring magpadala ng pinirmahang sulat sa iyong kasalukuyang opisyal ng mga halalan sa county, na ipinapaalam sa kanila ang tungkol sa iyong paglipat at iyong petsa ng kaarawan at kasalukuyang address, kahit na sa ibang bansa ito.  Gayunpaman, kung na-update mo na ang iyong address ng tirahan sa Departamento ng Mga Sasakyang De-makina o ang U.S. Postal Service, awtomatikong maa-update sa bago mong address ang iyong pagpaparehistro.

Mga Kwalipikasyon para Magparehistro para Makaboto

Upang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na:

Mga Kwalipikasyon para Paunang Magparehistro para Makaboto

Para paunang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na:

  • 16 o 17 taong gulang, at
  • Nakakatugon sa lahat ng iba pang kinakailangan sa pagiging kwalipikado para makaboto.

Awtomatiko kang marerehistro upang makaboto sa iyong ika-18 kaarawan.

Paano makapagparehistro para makaboto ka bago lumipas ang takdang petsa?

Para Makakuha ng Papel na Aplikasyon sa Pagpaparehistro ng Botante

Kung gusto mong magparehistro gamit ang papel na aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante, puwede kang kumuha nito sa tanggapan ng mga halalan sa iyong lalawigan, silid-aklatan, tanggapan ng Departamento ng Mga Sasakayang De-makina, o U.S. post office. Mahalagang kompletong punan ang iyong aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante at na maselyuhan ito o direktang maipadala sa tanggapan ng mga halalan sa iyong lalawigan nang hindi bababa sa 15 araw bago ang halalan.

Para hilingin na ipadala sa iyo ang papel na aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante, mangyaring tumawag sa (800) 345-VOTE(8683) o mag-email sa tauhan ng Dibisyon ng Mga Halalan.

Paano Punan ang Card sa Pagpaparehistro ng Botante sa California (PDF)

Paano ko tutukuyin ang aking sarili kapag nagpaparehistro para makaboto?

Hihilingin sa iyo ng aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante ang iyong lisensya sa pagmamaneho o numero ng card ng pagkakakilanlan (identification card) sa California, o maaari mong gamitin ang huling apat na numero sa iyong Social Security card. Kung wala kang lisensya sa pagmamaneho, card ng pagkakakilanlan sa California o Social Security Card, maaari mong iwang blangko ang puwang na iyon. Magtatalaga ang opisyal sa mga halalan sa iyong county ng numero sa iyo na gagamitin para tukuyin ka bilang botante.

Mga Bagong Mamamayan

Kung magiging mamamayan ka ng U.S. sa loob ng wala pang 15 araw bago ang susunod na halalan, posible ka pa ring makapagparehistro at makaboto. Para gawin ito, dapat mong bisitahin ang tanggapan ng mga halalan sa iyong county anumang oras bago magsara ang mga botohan sa Araw ng Halalan. Dapat kang magdala ng patunay na isa kang mamamayan ng U.S. at dapat kang pumirma sa form na nagsasabing kwalipikado kang bumoto sa California, o para sa higit pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Gabay sa Pagboto ng Bagong Mamamayan (PDF).  Makipag-ugnayan sa iyong tanggapan ng mga halalan sa county para sa higit pang impormasyon

Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw (Pagpaparehistro ng Botante nang may Kondisyon)

Sa mga halalang isinasagawa ng opisyal ng mga halalan sa iyong lalawigan, puwede kang magparehistro “nang may kundisyon” at bumoto sa tanggapan sa mga halalan sa iyong lalawigan pagkatapos ng takdang petsa nang 15 araw na pagpaparehistro ng botante. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring pumunta sa Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw.

Mga Mag-aaral sa Kolehiyo at Botanteng Naninirahan sa Ibang Bansa

Kung isa kang taga-California na nakatira nang malay sa tahanan habang pumapasok sa kolehiyo, trade school o teknikal na paaralan, o isa kang botanteng pansamantalang naninirahan sa labas ng Estados Unidos, mangyaring tingnan ang Mga Mag-aaral sa Kolehiyo at Botanteng Naninirahan sa Ibang Bansa.

Nakapagparehistro Ka Na Ba para Makaboto?

Para alamin kung kasalukuyan kang nakapagparehistro para makaboto, bisitahin ang Tingnan ang Katayuan ng Iyong Pagpaparehistro Bilang Botante.

Kailan Ulit Magpaparehistro para Makaboto

Magparehistro ulit para bumoto kapag:

  • Pinalitan mo ang iyong address ng tirahan o address sa pagpapadala ng sulat,
  • Pinalitan mo ang iyong pangalan, o
  • Pinalitan mo ang iyong pinipiling pulitikal na partido.

Bilang botante sa California, mangyaring malaman na isinasagawa ang mga lokal na halalan sa ilang lugar sa mga petsang hindi kasabay ng mga petsa ng halalan sa buong estado. Nagkakaiba ang takdang petsa nang 15 araw na pagsasara ng pagpaparehistro para sa mga lokal na halalang ito depende sa aktuwal na petsa ng halalan. Kung kailangan mong malaman ang takdang petsa para sa isang lokal na halalan, makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga halalan sa iyong county o bisitahin ang Mga Halalan na Isinasagawa ng County.

Paano Kanselahin ang Aking Pagpaparehistro

Kung kasalukuyan kang nakarehistro para makaboto sa California at gusto mong kanselahin ang iyong pagpaparehistro bilang botante, maaari mong kompletuhin ang Form sa Paghiling ng Pagkansela ng Pagpaparehistro Bilang Botante sa California (PDF) at isumite ito sa tanggapan ng mga halalan sa county. Kung mayroon kang mga tanong, makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga halalan sa iyong county o sa Hotline ng Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 345-VOTE (8683).

Check My Voter Status