Iniimbitahan kayo ni Kalihim ng Estado Shirley N. Weber na tumulong na ikalat ang salita tungkol sa mahahalagang kasangkapan at impormasyon na makukuha sa pahina sa web ng Pagboto sa California.
Ang sampol na artikulo at sampol na mensahe na ipinagkakaloob dito ay idinisenyo upang tulungan ang mga negosyo, kamara de komersiyo, di-nagtutubong organisasyon, klinika ng pangangalagang pangkalusugan, at ahensiya na naglilingkod sa mga komunidad kung saan ang wika ay sinasalita upang bigyan ng inspirasyon at ihanda ang bawat karapat-dapat na mamamayan para sa pagboto.
Isaalang-alang ang pagdaragdag ng isang artikulo o mensahe tungkol sa pahina sa web ng Pagboto sa California sa isang newsletter, email, o website.
Upang makatulong na ikalat ang salita tungkol sa mga materyal sa pagboto at tulong na iniaalay ng Kalihim ng Estado sa 10 wika, maaari mong ipakita o ipamahagi ang isang poster/polyeto na “Nagparehistro para makaboto?”
Ang lugar na hintayan sa inyong opisina ay nakakapagpakita ba ng mga DVD o online na video? Magagawa ninyong anyong mas maikli ang paghihintay habang ikinakalat ninyo ang salita tungkol sa pagboto, sa pamamagitan ng pagpapakita ng isa o higit na serbisyo sa publiko na mga pahayag na may kaugnayan sa pagboto sa Ingles o Kastila. Ang mga paksa ay kabilang ang: sino ang makakaboto, paano dapat magparehistro para makaboto, ano ang dapat asahan kapag boboto sa isang lugar ng botohan, paano dapat bumoto sa pamamagitan ng koreo. Upang tingnan ang mga mensaheng ito na may kaugnayan sa pagboto, mangyaring bisitahin ang pahina sa web na Serbisyo sa Publiko na mga Pahayag na Impormasyon para sa Botante (Voter Information Public Service Announcements) ng Kalihim ng Estado.
Sa pamamagitan ng inyong paglahok, ang bawat karapat-dapat na mamamayan sa California ay magkakaroon ng akses sa mga kasangkapan at impormasyon na kailangan upang maging aktibo, may-kaalamang botante.
Para sa iba pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Pangkat sa mga Serbisyong Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante ng Kalihim ng Estado sa pamamagitan ng email o telepono sa (916) 651-3070.
Sampol na Artikulo at Mensahe
Halimbawang Artikulo:
Makakakita ng Tulong Online sa Sampung Wika ang mga Bagong Botante
Ang pagboto ay isa sa pinakamahalagang bagay na ginagawa natin bilang mga mamamayan sa isang demokrasya. Bilang punong opisyal ng eleksyon ng California, hinihikayat ng Kalihim ng Estado na si Shirley N. Weber ang bawat karapat-dapat na mamamayan na magrehistro para bumoto at lumahok sa eleksyon. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga bagong mamamayan at iba pa na mas nagnanais na matanggap ang mga materyales ng eleksyon sa Espanyol, Chinese, Hindi, Japanese, Khmer, Koreano, Tagalog, Thai o Vietnamese, nag-aalok ang Kalihim ng online na pagpaparehistro ng botante na RegisterToVote.ca.gov at isang set ng sampung "Pagboto sa California (Voting in California)" na web page sa lahat ng wikang ito, pati ang Ingles.
Upang makahanap ng mga tip sa kung ano ang dadalhin kapag boboto ka, mga panuto sa kung paano bumoto sa pamamagitan ng koreo, at iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon para sa botante, bisitahin ang page na "Pagboto sa California (Voting in California)" sa www.sos.ca.gov/elections/voting-resources/voting-california/ o tumawag sa Voter Hotline ng Kalihim ng Estado: (800) 339-2957.
Halimbawang Mensahe:
Nakarehistro ka ba para makaboto sa California? Ang huling araw para magparehistro upang bumoto sa anumang eleksyon ay 15 araw bago ng Araw ng Halalan. Madali ang pagpaparehistro sa RegisterToVote.ca.gov. Sa mga eleksyon na isinasagawa ng opisyal ng eleksyon ng inyong lalawigan, maaari kayong "kondisyonal" na magparehistro at bumoto sa opisina ng eleksyon ng inyong lalawigan pagkatapos ng 15-araw na deadline ng pagpaparehistro ng mga botante hanggang araw ng halalan. Para sa higit na impormasyon, pumunta sa Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw (Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante). Maaari mo ring bisitahin ang page ng Kalihim ng Estado na nagbibigay-impormasyon na "Pagboto sa California" (Voting in California) sa http://www.sos.ca.gov/elections/voting-resources/voting-california/ o tawagan ang (800) 339-2957.